Mga babaeng dating rebelde, isiniwalat ang kanilang karanasan at paano nila binitawan ang CTG movement
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Nakapagbahagi ng kani-kanilang karanasan ang ilang dating myembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa isinagawang online activity na pinamagatang “Unmasking the truth: A forum on communist terrorist group exploitation of the women sector.”
Pinangunahan ito Regional Task Force to
End Local Communist Armed Conflict o RTf-ELCAC ng Caraga Region.
Ang mga kababaihang ito ay minsan nang
napaniwala ng cpp-npa na tama ang kanilang ipinaglalaban ngunit kalaunan ay mas
naging mahirap pa ang kanilang sitwasyon sa loob ng kilusan, dahilan ng
kanilang pagsuko sa gobyerno.
“Ang mga babae ang madalas ginagawang
vanguard sa pag-organize ng civilian group. Sila ‘yung nangunguna sa mga
propaganda dahil madali nitong nakukumbinsi ang mga sibilyan na sumanib sa
kanilang grupo. Mahirap talaga ‘yung aming naranasan kasi madalas nalilipasan
kami ng gutom at napapabayaan na namin ang aming mga sarili lalo’t may
operasyon sa bundok,” salaysay ni alias “yang-yang” na dating NPA.
“Napagtanto ko na tama ang aking
desisyon na umuwi at magbalik-loob sa gobyerno. Sa part ko bilang babae, lalo
na ngayon na dinaraos natin ang buwan ng kababaihan, hindi tayo dapat matakot
dahil ang gobyerno ay may nakahandang programa para sa mga babae,” ani Pvt.
Rosel Borimbao, dating miyembro ng NPA.
May panawagan din si Pvt. Cheryl
Dalaguan na dating aktibista na ngayon ay sundalo na ng Philippine Army.
Hinikayat niya ang mga aktibo pa sa komunistang grupo na sumuko na at huwag
sayangin ang buhay sa NPA. “Nasa bawat isa sa atin ang solusyon at kung papaano
natin maipapaalam sa iba na ang ctg ay wala talagang mabuting maidudulot sa
ating buhay.”
Para naman kay Regional Director Edsel
Batalla ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Caraga at siyang
chairperson ng Situational and Knowledge Management (SAKM) Cluster, dapat
pantay-pantay ang pagbigay oportunidad sa mga babae at lalaki at nang maging
maayos at matiwasay ang pamumuhay nito sa komunidad.
Garcia |
Samantala, binigyang-puri naman ni Regional Director Venus Garcia ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga, at chairperson ng Strategic Communications (STRATCOM) Cluster ang lahat ng kababaihang matapang na hinarap ang publiko at isiniwalat ang kanilang mapait na karanasan sa kilusan, upang matigil na ang pang-rerecruit at pagmanipula ng npa sa kababaihan.
“Magpapatuloy ang PIA sa pagpapalaganap
ng katotohanan sa publiko. Ang mga kwentong ito ng ating mga magigiting at
matatapang na mga kababaihan ay dapat malaman ng lahat upang sa ganoon ay
maraming makaalam at mamulat sa karahasang naidudulot ng CTGs sa lipunan,”
pahayag ni Dir. Garcia. (JPG/PIA-Caraga)