SWK,KWF magkatuwang sa mga proyektong pangwika at pangkultura
Inilatag ng mga direktor ng SWK ang mga proyektong pangwika kabilang ang
mga tertulya, webinar, workshop, at saliksik sa katatapos at matagumpay na
pagpaplano para sa taΓ³ng 2023 na ginanap mula 8–10 Marso sa City
State Asturias Hotel, Puerto Prinsesa, Palawan.
Pinangunahan naman ni Tagapangulong Arthur P. Casanova ang panunumpa ng
bagong pamunuan ng SWK na sinaksihan nina Kom. Carmelita C. Abdurahman at
Direktor Heneral Atty. Marites B. Taran.
Nahalalal si Dr. Alvin De Mesa, pangulo; Dr. Rodello Pepito, Pangalawang
Pangulo; Prop. Ryan Rodriguez, kalihim; Dr. Lourdes Quijano,
Ingat-yaman; Dr. Felisa Marbella, ang awditor; Dr. Romeo Espedion
Jr., Tagapagbalita. Naitalaga naman bilang kinatawan ng Luzon si Dr.
Mary Ann Macaranas, Visayas naman si Dr. Lita Bacalla, at sa Mindanao ay si Dr.
Radji Macatabon.
Ang SWK ay patuloy na lalahok at mangunguna sa pagsusulong ng mga
katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan
nito. Naniniwala ang SWK at KWF na ang wika ay imbakan ng karunungan
at karanasan ng lipunan na dapat pinahahalagahan ng bawat Pilipino.
Ang matagumpay na pagpaplano ay naisagawa sa pangunguna nina Dr. Jose Evie G. Duclay at Gng. Minda Blanca L. Limbo na patuloy ang pagbibigay suporta sa mga direktor ng SWK sa buong bansa. (KWF/PIA-Caraga)