Completed housing units para sa FRs ng AgNor, na-turnover na
Ang labing-pitong (17) bahay ay mula sa National Housing Authority o NHA sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno ay nagkakahalaga ng tig-450,000 pesos. Ito ay itinayo sa lupang ibinigay ng provincial government ng Agusan del Norte.
Sa pitong taong paghihintay ng mga FRs, binigyan din sila ng tulong pinansyal at mga livelihood trainings ng gobyerno sa pangangalaga ng 29th Infantry Batallion, Philippine Army, na higit na masaya dahil sa natanggap ng mga FRs at pinayuhang alagaan ang mga ito.
Hiniling din ni Kongresista Dale B. Corvera ng Agusan del Norte sa mga FRS na tulongan ang gobyerno na makamit ang tunay na kapayapaan, kaya’t hinikayat din nya ang mga ito na kombinsihin ang natitira pang mga rebelde na magbalik loob na sa gobyerno upang maranasan din nila ang kanilang natatamasang kapayapaan at kaginhawaan kasama ang mga mahal sa buhay.
Maliban sa unang 17 bahay na ipinagkaloob sa mga FRs, sinimulan na din ng probinsyal na pamahalaan ang pagproseso sa dagdag pa na mga pabahay para sa iba pang natitirang FRs na itatayo rin sa New Hope Village. (NCLM/PIA Agusan del Norte)