(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 165 KM WEST OF KALAYAAN, PALAWAN (10.8°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 10 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Lifgt to Moderate winds coming from East toSoutheast will prevail with light to Moderate (0.6 to 2.5 meters).


Monday, April 10, 2023

PVAO Caraga nakibahagi sa paggunita ng Araw ng Kagitingan

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN – Aktibong nakibahagi ang kinatawan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Caraga sa isinagawang seremonya bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong taon kasama ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa lungsod ng Butuan.

Ibinahagi ni Louie Jay Losaria, head ng PVAO sa Caraga region na ang Araw ng Kagitingan o kilala rin bilang Araw ng Bataan o Araw ng Bataan at Corregidor, ay isang pagtalima sa Pilipinas kung saan ginugunita ang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“Noong 1987 sa pamamagitan ng Proclamation No. 466 ay kilala rin bilang Philippine Veterans Week, and Araw ng Kagitingan ay ginawang national holiday upang bigyang halaga ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na nakipaglaban sa Kalayaan ng bansa,” ani Losaria.

Ayon pa kay Losaria, ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan ay ang pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan.

“Ang death march ay isang napakasakit at napakalagim na bahagi ng ating kasaysayan. Ang libo-libong Pilipino at Amerikano ay pilit na pinasakay sa mga tren at sasakyan ng mga hapones upang dalhin sa kampo ng pagkabihag. Marami ang pinatay, kapus na kapus sa pagkain at tubig at napilitang maglakad ng mahabang distansya hanggang namatay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang ating mga bayani ay hindi nagpatalo sa pananakop at terorismo ng mga hapones,” pagbabalik tanaw ni Losaria.

Hinamon rin ni Losaria ang mga kabataan na isaisip ang makabuluhan at makasaysayang pangyayaring ito sa bansa. 

“Sa mga kabataan ngayon, hinahamon ko kayo na magpakita ng pagmamahal sa bayan at mag-alay ng ating sarili para sa ating bansa. Dapat tayo maging aktibong nagtatanong, nag-iisip, at may pusong makabayan. Dapat nating isabuhay ang mga aral na natutunan natin mula sa ating mga bayani. Magpakatatag at magpatuloy na ipaglaban ang kalayaan at hustisya ng ating bansa.” (JPG/PIA-Caraga)