(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 22 November 2024) Northeast Monsoon affecting Extreme Northern Luzon. Easterlies affecting the rest of the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with light to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, April 20, 2023

DBM: P1.89B pundo para sa electrification program ng NEA

Contributed photo

Layon ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na pailawan ang libu-libo pang mga komunidad sa buong bansa batay sa nakalaang pondo ng National Electrification Administration (NEA) ngayong taon na nagkakahalagang P1.89 bilyon.

Isa sa mga attached agencies ng Department of Energy (DOE) ang NEA.

Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), sakop ng pondo ng NEA ang pagpapatupad sa ilang mga programa nito, tulad ng Barangay/Sitio Electrification Project, Electric Cooperatives Emergency and Resiliency, at pagkakabit ng mga solar panel sa mga pampublikong gusali.

"When we say we want to uplift the lives of the Filipino people, we mean all Filipinos, even those in the farthest barangays or sitios. And we cannot achieve socio-economic improvement in these areas if their communities remain unelectrified. Kaya siniguro po natin na may pondo ang mga programa na magpapa-ilaw lalo na sa mga malalayong lugar," said Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

[“Kapag sinabing nais nating iangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino, ibig sabihin po ay lahat ng Pilipino, kasama na ang mga nasa malalayong barangay o sitio. Hindi natin makakamit ang socio-economic improvement sa mga lugar na ito kung mananatili silang walang kuryente. Kaya siniguro po natin na may pondo ang mga programa na magpapa-ilaw lalo na sa mga malalayong lugar," ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.]

Sa mga programang ito ng NEA, pinakamalaking budget ang mapupunta sa Barangay/Sitio Electrification Project na may nakalaan na P1.68 bilyon ngayong 2023. Layon ng proyekto na makapagpailaw ng nasa 1,140 na sitio sa buong bansa. 

Ayon sa Special Provision na nakapailalim sa 2023 GAA, bibigyang prayoridad ang mga barangay/sitio na may mataas na bilang ng mga indigent o mahihirap batay sa pinakabago at opisyal na poverty statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA), gayon din ang mga lugar na may malaking pagkakataon na makabitan ng kuryente.

“Ang programang ito ng Energy Department ay magsusuporta rin sa adhikain ni President Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing abot-kaya, sustainable, tiyak at sapat ang enerhiya sa bansa, lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency,” dagdag pa ni Secretary Pangandaman. (DBM/PIA Caraga)