PNP Caraga naka-full alert status sa Semana Santa
Ni Jennifer
P. Gaitano
LUNGSOD NG
BUTUAN -- Pagtitiyak ng Philippine Information Agency (PNP) Caraga na naka-full
alert status ang kanilang hanay upang masiguro ang seguridad at maayos na
paggunita sa Semana Santa.
Ayon kay
Police Major Jennifer Ometer, chief ng Public Information Office,
PNP Caraga Regional Office sa Butuan City, kailangang mapaigting pa ang
kampanya laban sa kriminalidad lalo na ngayong Semana Santa.
“May
naka-deploy na 1,724 na personnel ng PNP sa rehiyon. Maaaring dumulog o tumawag
ang ating mga kababayan sa ating mga kapulisan kung sakaling may gusto silang
i-report na insidente o kahinahinalang aktibidad sa kanilang komunidad upang
agad ring maka-responde ang ating kapulisan sa kanilang lugar,” ani PMaj.
Ometer.
Binigyang-diin
din ni PLtCol. Jude Cres Milan, chief ng Public Information Office ng Agusan
del Sur Police Provincial Office (ADSPPO) na mahigpit ang direktiba ng national
headquarters sa maiging pag-monitor sa mga barangay.
"Naka-full
alert tayo ngayon per directive ng headquarters kaya't 24/7 ang pagbigay
serbisyo ng ating mga kapulisan sa mga komunidad," pahayag ni PLtCol.
Milan.
Naging
organisado naman ang pagsakay at paghihintay sa mga bus at van sa
Langihan terminal maging sa terminal ng Robinsons Place sa Butuan City, at iba
pang terminal ng mga probinsya sa Caraga kahit marami na ang nakapila.
Nakaantabay
rin ang mga kawani ng Department of Transportation (DOTr) Caraga para sa
inspeksyon ng mga bus upang masigurong nasa maayos na kondisyon, at maging ang
lisensya ng mga drivers. (JPG/PIA-Caraga)