(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 02 January 2025) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas, Mindanao, and Palawan. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Tuesday, April 25, 2023

Mahigit isang libong kababaihan sa AgNor, nakatanggap ng tulong pinansyal

LUNGSOD NG BUTUAN -- Tuwa’t saya ang nadama ng mahigit isang libong kababaihang benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa probinsya ng Agusan del Norte sa pangunguna ni Senador Imee Marcos.

Personal na namigay ng tulong pinansyal si Senador Marcos sa mga kababaihan lalo na ang mga solo parents, persons with disabilities at katutubo ng probinsya ang senador. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-tatlong libong piso.

Umabot sa halos P5 milyon ang naipamahagi ng senadora sa mga benepisyaryo sa  iba’t ibang munisipyo ng Agusan del Norte, kasama na ang 78 mula Remedios T. Romuladez; 107 sa Jabonga; 510 sa Buenavista; 221 sa Las Nieves; at 449 sa Cabadbaran City. 

Binisita din ng senador ang bayan ng Nasipit kung saan namigay din cy ang tulong pinansyal sa mga kwalipikadong kababaihan.

Laking pasalamat ni Kim Sebastian, isang solo parent ng munisipyo ng Nasipit, dahil kasali siya sa nabiyayaan ng programang AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 

Kinilala rin ni  Marcos ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan kaya’t karapat dapat lamang na bigyan sila ng pansin at tulong ng gobyerno. Tiniyak din ng senadora na susuportahan nya ang probinsya ng Agusan del Norte sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na pondo upang maiangat ang kabuhayan ng mga Agusanons.

Nagpasalamat din si governor Ma. Angelica Rosedell Amante sa pagbisita ng senador sa probinsya at sa tulong pinansyal nito.

Sa kanyang pagbisita sa Agusan del Norte, nakipagusap din si Marcos sa mga young farmer at grantees ng department of agriculture’s enhanced kadiwa ni ani at kita grant assistance program. Naniniwala ang senadora sa malaking tulong na bigay ng mga young farmer sa pag-angat ng agrikultura sa bansa.

Anya, simula sa buwan ng abril, makakatanggap ng tig-5,000 ang bawat magsasaka bilang suporta sa kanila, kaya’t inikayat nya ang mga ita na magpalista sa kani-kanilang Agricutlure Offices. (NCLM/PIA Agusan del Norte)