Dating NPA commander, muling tinanggap ng tribu sa pamamagitan ng Tampuda
Sa pagpapaunawa, ang “Tampuda” ay isang sagrado at mahalagang ritwal mula sa indigenous peoples (IP) communities na isinasagawa para ayusin ang anumang alitan sa pagitan ng dalawang magkaaway na panig. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagputol ng Uway na may presensya ng mga taga-pamagitna. Ayon sa mga salaysay ng mga nakatatanda sa tribu, ang sinumang bumali sa kasunduan ng “Tampuda” ay may kalakip na sumpa.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga Datu mula pa sa apat na probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon at Misamis Oriental. Nakisaksi rin sa nasabing “Tampuda” si MGen. Jose Maria R Cuerpo II Philippine Army, commander ng 4th Infantry (Diamond) Division kasama sina BGen. Adonis Ariel G Orio PA, commander ng 402nd Infantry (Stingers) Brigade at Ltc. Jeffrey P Balingao, commanding officer ng 23rd Infantry (Masigasig) Battlion. Dumalo rin sa pagtitipon ang iba’t ibang ahensya at kagawaran tulad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Department of Education (DepEd), kasama ang probinsyal na pamahalaan sa pangunguna ni governor Ma. Angelica Rosedell M. Amante ng Agusan del Norte at Mayor Karen S. Rosales ng lungsod ng Las Nieves.
Ang pagtatapos ng Tampuda ay siya ring hudyat ng panibagong pag-asa para sa isang dating NPA commander katulad ni Datu Lino Namatidong na sa halip ay magpatuloy sa kaniyang pakikibaka ay pinili na lamang na sumuko at magbalik loob sa ating gobyerno. (23rd Infantry Batallion, Philippine Army/PIA Agusan del Norte)