(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 31 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas, Mindanao, and Palawan. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, May 10, 2023

ARTA spot inspection, roadshow isinagawa sa Butuan

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Aktibong nakilahok ang may isang-daang kawani mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, local government units (LGUS), government-owned and controlled corporations (GOCCs), at state universities and colleges (SUCs) sa isinagawang roadshow sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa lungsod ng Butuan.

Kasabay nito nag spot inspection din ang mga kawani ng ARTA Central Office at sinuri ang kanilang proseso at mekanismo sa pagbibigay ng agarang serbisyo sa kanilang mga kliyente na naaayon sa Citizen's Charter.

Isa na rito ang Philippine Information Agency (PIA) Caraga, kung saan hinimay-himay ng ARTA ang Citizen's Charter ng ahensya at iba pang requirements na nakasaad sa batas.

Ayon kay Direktor Grace Fernandez ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ng ARTA, naging matunog ang tanggapan ng ARTA bilang sumbongan ng mamamayan laban sa mga katiwalian ng mga ahensya at opisyal.

"In the last five years since the signing of republic act 11032 in 2018, we have been going around the country to speak and deliver the goodness of this law, and we are very grateful that this time we are here in Butuan City. Maganda po na maibigay namin sa inyo kung ano ang mga programa at inisyatibo ng Anti-Red Tape Authority. Nagiging buzzword na rin kami in the last two to three years dahil na rin sa nagiging sumbungan ang tanggapan ng ARTA," ani Fernandez.

Ibinahagi rin ni Marco Angelo Montenegro, assistant division chief ng Compliance Monitoring and Evaluation Office ng ARTA na kailangang malinaw at kumpleto ang mga gagawing hakbang o proseso ng sino mang kliyente na gusting mag-avail sa mga serbisyo ng mga ahensya.

"Never po matatapos ‘yung problema or ‘yung trabaho natin sa Citizen’s Charter dahil ‘yung regulations natin nag-iiba at minsan may mga pagbabago sa mga regulations -- nag-iiba ‘yung steps, ‘yung processes, requirements, at fees. And for you to actually implement the same, dapat unang-una ay updated ang Citizen’s Charter, otherwise, papasok po ‘yan sa Section 21 ng RA 11032," tugon ni Montenegro.

Binigyan din ng pagkakataon ang mga partisipante na maipaabot sa mga opisyal ng ARTA Central Office ang kanilang katanungan, klaripikasyon at suhestiyon upang mas maging epektibo ang kanilang mga gagawing hakbang sa pagganap ng kanilang tungkulin at sa implementasyon ng ARTA sa kani-kanilang opisina. (JPG/PIA-Caraga)