(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 15 January 2025) Easterlies affecting Visayas and Mindanao. Northeast Monsoon affecting Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.5 to 3.7 meters).


Thursday, June 8, 2023

 Agus Serbisyo Caravan nagbigay ng libreng serbisyo, tulong sa Buenavista

CARMEN, Agusan del Norte -- Umabot sa mahigit isang libo at walong daang pamilya o mahigit pitong libong indibidwal  galing sa barangay Malpoc, Macalang at Rizal ng lungsod ng Buenavista ang nakatangap ng tulong at libreng serbisyo mula sa Agus Serbisyo Caravan ng probinsya ng Agusan del Norte.

Sa pangunguna ni Governor Maria Angelica Rosedell Amante, layunin ng programa na maabot ang lahat ng malalayong lugar ng probinsya at personal na mabisita at mabigyan ang mga residente ng tulong mula sa pamahalaan.

Isa si Merlyn Sabas Abueva ng barangay Rizal ang nabigyan ng tulong sa Agus Serbisyo, masaya at taos-pusong pasasalamat ang kanyang ibinalik sa mga ahensyang nagbigay tulong sa kanya at sa kanyang buong pamilya.

Sa ginawang caravan, daladala ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang serbisyo, kagaya ng pagbibigay ng fruit tree seedlings, tilapia fingerlings, assorted vegetable seeds, veterinary consultation services, anti-rabies vaccination, family planning, at libreng gupit, tuli at pagbakuna.

Nagbigay din ng mga training at orientation ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council. Dental at medical services naman mula sa health office, at food packs, medisina at bitamina ang bitbit ng Social Welfare and Development Office, at marami pang iba.

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Buenavista Mayor Joselito Roble dahil sa napakalaking tulong  na ibinigay ng Agus Serbisyo Caravan sa mga tao sa kanyang lungsod. 

Dagdag pa ni Roble, patuloy din ang kanilang pag-ikot sa mga barangay upang malaman ang kanilang hinaing at pangangailan.

Ang Agus Serbisyo Caravan ng probinsya ay isang paraan upang masiguro na lahat ng mga Agusanons ay mabigyan ng karapat-dapat na tulong at matugonan ang kanilang mga pangangailangan. (NCLM/PIA Agusan del Norte)