(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 15 January 2025) Easterlies affecting Visayas and Mindanao. Northeast Monsoon affecting Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.5 to 3.7 meters).


Wednesday, 7 June 2023

Programang pang-nutrisyon sa Agsur sinuri ng RNET

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) Caraga, na siyang lead agency ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET), kasama ang Philippine Information Agency (PIA) at mga miyembro ng Provincial Nutrition Evaluation Team ng Agusan del Sur, binisita nila ang mga barangay at sinuri ang mga programang pang-nutrisyon ng barangay officials at barangay nutrition scholars (BNS), at kung paano nawakasan ng mga abokasya at programa ang malnutrisyon sa kanilang lugar.

Parte rin ito sa gaganaping Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar (ROBNS) kung saan isa ang Barangay Violanta sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur sa mga contender ng nasabing patimpalak. Lubos ang kasiyahan ng mga batang Manobo at kanilang mga magulang.

Namangha ang RNET members dahil sa napakalinis na barangay ng Violanta na mayroon pang gulayan sa mga bakuran.

Bagamat walang signal ng cellphone sa kanilang lugar, masaya pa rin ang mga kabataan dito dahil nakakapaglaro sila ng iba’t ibang laro ng lahi.

Pinuri ni Dr. NiΓ±o Archie Labordo, regional nutrition program coordinator ng NNC Caraga ang mga manobong nakatira sa nasabing barangay dahil sa kanilang pagtugon sa panawagan ng mga barangay officials sa pagpapanatili ng maayos, malinis at malusog na komunidad.

“Kasabay ng gagawing ebalwasyon ng RNET sa inyong barangay, titingnan din natin kung gaano ka-epektibo ang inyong pagpaplano at koordinasyon, maging sa inyong adbokasiya at interbensyon sa issues and concerns ng inyong mga residente dito. Malinis talaga ang inyong barangay kaya pala nagpunta din dito ang Miss Earth at sana sa susunod Miss Universe na. At sana ma-sustain ninyo ito,” ani Dr. Labordo.

Ibinahagi rin ni Mariella Rayco, development management officer II ng NNC Caraga ang mga magagandang gawain ng Barangay Violanta na hindi nakita ng RNET sa ibang BNS. “Ito ang madalas wala sa iba, naka-per purok at adjusted monthly ang kanyang PNAP,” sabi niya.

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat sa RNET ang punong barangay na si Teodoro Velez, dahil sa mga naibahagi nitong suhestiyon kung papaano mas mapaunlad ang kanilang komunidad lalo na sa pagpapanatili ng malusog na mga residente.

Samantala, sunod namang binisita ng RNET ang bayan ng Rosario na may mataas na performance rin sa implementasyon ng mga programang pang-nutrisyon at best practices sa probinsya ng Agusan del Sur. (JPG/PIA-Agusan del Sur)