(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 15 January 2025) Easterlies affecting Visayas and Mindanao. Northeast Monsoon affecting Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.5 to 3.7 meters).


Wednesday, 7 June 2023

Kasunduan sa skills training nilagdaan ng TESDA, 544th ECB 

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Bago pa man ang change of command ng 544th Engineer Construction Battalion (ECB) ng Philippine Army, eto ay lumagda ng Memorandum of Agreement (MOU) kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa isinagawang Inter-Local Agency Partnership (ILAP) Signing Ceremony sa probinsya ng Agusan del Sur.

Sakop ng sinasabing kasunduan na makatulong sa marami pang Caraganons sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng skills enhancement trainings sa loob ng isang taon.

Batay sa MOU, ang TESDA sa pamamgitan ng programang Technical and Vocational Education and Training (TVET) na sumasakop sa mga administered schools at technology institutions ang siyang mangunguna sa pagbigay ng mga kinakailangang pagsasanay sa mga aplikante. Samantala, ang 544th Engineer Construction Battalion naman ay magpapagamit ng kanilang equipment, makinarya at iba pang pasilidad habang may mga nagsasanay sa masonry at carpentry.

Nagpasalamat naman si TESDA Agusan del Sur provincial director Allan Millan sa kanilang masugid na partner agency [54tth ECB] dahil sa patuloy na suporta nito sa mga programa ng ahensya.

“Magbibigay ang TESDA ng mga kinakailangang skills at livelihood trainings sa mga mamamayan, at kinikilala rin natin ang suportang ibinibigay ng 544 Engineer Construction Battalion sa pagtupad ng ating mga programa,” ani ni Millan.

Binigyang-diin din ni Lieutenant Colonel Edwin Nogal, dating commanding officer ng 544th ECB ang mahalagang papel ng kanilang hanay sa pagtulong na maturuan ang mga Agsurnon sa iba’t ibang skills enhancement at magamit nila ito sa kanilang pangkabuhayan.

“Mas lalo pa nating paigtingin ang ating presensya sa mga komunidad at pagtulong sa kanila lalo't mas marami na ngayon ang mga nakinabang sa mga libreng trainings mula sa goberno matapos ang Covid-19 pandemic,” tugon ni Nogal.

Target din ng grupo na matulungan ang former rebels sa mga skills enhancement trainings bilang parte sa mga benepisyong kanilang natanggap dahil sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.

"Marami na tayong natulungang mga former rebels o 'yung tinatawag din nating friends rescued sa kanilang mga skills at livelihood trainings. Patuloy natin silang gagabayan sa tulong na rin ng iba pang mga ahensya ng ating pamahalaan," dagdag ni Millan.

Samantala, ang bagong itinalagang 544th ECB commanding officer na si LTC Ricky Baguio na ang magpapatuloy sa implementasyon ng MOU kasama ang TESDA. (JPG/PIA-Caraga)