(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 26 November 2024) Northeast Monsoon affecting Extreme Northern Luzon. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, July 10, 2023

KWF, puspusan ang paghahanda sa Buwan ng Wika 

LUNGSOD NG BUTUAN -- Puspusan ang paghahanda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 sa buwan ng Agosto na may temang, “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Tampok din sa selebrasyon ang lingguhang tema na Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas (1–5 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa (7–12 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas (14–19 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan (21–26 Agosto); at Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon (21–26 Agosto).

Ang mga layunin ng pagdiriwang ay ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; maiangat ang kamalayan ng mga mΓ‘mamayΓ‘ng Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nitΓ³; mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampΓ‘mahalaΓ‘n at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nitΓ³ na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; maganyak ang mga mΓ‘mamayΓ‘ng Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at maipakilala sa mga mΓ‘mamayΓ‘ng Pilipino ang KWF bΓ­lang ahensiya ng pΓ‘mahalaΓ‘n na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nitΓ³.

Itatampok ng KWF ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buwan ng Agosto kabilang ang serye ng webinar, tertulyang pangwika mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, mga timpalak, paglulunsad ng mga aklat, at Araw ng Parangal.

Maglalabas ang KWF ng mga patalastas sa opisyal na Facebook page ng ahensya hinggil sa iba’t ibang gawaing pangwika na puwedeng daluhan at makibahagi ang bawat Pilipino.

Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa selebrasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa pamamagitan ng pag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph. (PIA-Caraga)