(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Thursday, 20 July 2023

Pagwakas sa CTG recuitment sa kabataan, tinalakay

Batalla
Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Upang maiwasan na maging biktima sa panlilinlang ng communist terrorist group, nakiisa ang mga kabataan sa rehiyon Caraga sa isinagawang virtual forum na pinamagatang, "Freedom Talks: A Forum on Identity, Youth Empowerment and CTG Exploitation," na pinangunahan ng Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster at Strategic Communications (StratCom) Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o RTF-ELCAC noong Hulyo 17, 2023 sa Zoom platform.

Naging mainit ang talakayan sa mga hakbang at kaalaman tungkol sa ginagawang paglilinlang at pagsamantala ng CTG sa mga vulnerable na sektor sa lipunan katulad sa mga kabataan, mga miyembro ng LGBTQIA+, kababaihan, indigenous peoples (IP) at iba pa,. 

Ninais nga kapwa SAKM at STRATCOM clusters na matuldukan na ang pagre-recruit ng CTG sa mga kabataan na madalas nagiging biktima rin ng karahasan.

Nagsilbing resource speakers ang mga representative mula sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual + (LGBTQIA+) community, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), representante na mula sa North Eastern Mindanao State University (NEMSU)-Cantilan, Surigao del Sur at ng National Cadre Team na naging mas dynamic ang diskusyon sa open forum. 

Samantala, pinasalamatan naman ni regional director Edsel Batalla bilang chairperson ng SAKM cluster ng RTF-ELCAC ang mga kabataang kalahok sa kanilang kontribusyon at magandang gawi upang mailigtas ang ibang kabataan sa exploitation ng CTGs.

“To empower our youth, we must invest in their education. We should equip them with the knowledge, skills and critical thinking needed to make informed decisions. We must also encourage their participation in the decision-making process of our nation and listen to their ideas and concerns,” tugon ni Dir. Batalla.

Garcia
Binahagi rin ni regional director Venus Garcia ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga at chairperson ng StratCom cluster ng RTF-ELCAC, ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon ng iba't ibang sektor upang masiguro ang proteksyon lalo na ng mga kabataan laban sa panlilinlang at exploitation ng CTG.

Kami po sa PIA Caraga at kabuoang StratComm Cluster have fully utilized our different communication and information dissemination platforms so everyone may know that we have a loving government that is ready and excited to welcome and embrace those who are willing to be unchained from the bondage with the enemy so they can live in peace with their families and loved ones in mainstream society. Together with the SAKM cluster, we have been constantly collaborating and strengthening our counter information efforts,” ani Dir. Garcia. (JPG/PIA-Caraga)