Dalawang drug pushers timbog sa AgSur
Kinilala ni PCol. Canlapan ang unang suspetsado bilang 30 taong gulang at ang pangalawa ay 18 taong gulang parehong walang asawa, walang trabaho at mga residente ng Purok- 4, Brgy., Policarpo, San Luis Agusan del sur.
Nagsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga ang mga tauhan ng San Luis MPS sa pamamagitan ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng nabanggit na suspetsado at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na bagay:
a. Dalawa
piraso ng nakabalot na papel na naglalaman ng pinaniniwalaang dahon ng
marijuana na may kabuuang timbang na 5.200grams at street market value na P624;
b. Isang
pirasong nakatiklop na Aluminum Foil strip;
c. Isang
pirasong 500 peso bill bilang buy-bust money;
d. Isang
unit ng pink VIVO cellular phone; at
e. Isang
piraso ng green lighter;
Ang paghahanap at pagsamsam ay isinagawa sa presensya ng mga legal na saksi.
“Kami ay nangangako na gagawin ang lahat ng aming makakaya, upang masugpo ang iligal na droga at anumang kriminalidad sa ating pinakamamahal na lalawigan. Lubos ang aking pagkilala at pasasalamat sa ating mga kapulisan ng San Luis MPS sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Henry Dalit, ipagpatuloy ang pagpapakita ng tapang, integridad, at dedikasyon sa pagsugpo sa problema ng ilegal droga. Sa inyong pagsisikap, may malaking posibilidad na malalampasan natin ang mga problemang dala ng ipinagbabawal na gamot at magbibigay daan para sa isang mas ligtas na lipunan,” saad ni Canlapan.
Para sa karagdagang pagkakakilanlan sa taong naaresto, maaari kang makipag-ugnayan sa hotline number na ito: San Luis MPS- 0909-845-8184, dahil pinahahalagahan namin ang pangunahing tuntunin na ang isang akusado ay dapat ituring na inosente hanggang sa ang kanyang pagkakasala ay mapatunayan nang walang makatwirang pagdududa sa harap ng korte.
Ito ay naaayon sa process excellence perspective ng PNP P.A.T.R.O.L. Plano 2030 sa ilalim ng layunin sa pagpapabuti, pag-iwas at maagarang paglutas ng mga krimen. (ADSPPO/PIA-Agusan del Sur)