Drug personality pusher, huli sa AgSur
PROBINSYA NG AGUSAN DEL SUR -- Sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Agusan del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jovito Canlapan, provincial director, nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang drug personality pusher.
Kinilala ni PCol. Canlapan ang suspetsado na 18 taong gulang, walang asawa, laborer at residente ng Purok- 12 Gasa, Poblacion Trento, Agusan del Sur.
Nagsagawa ng operasyon sa kampanya laban sa iligal na droga ang mga tauhan ng Bunawan Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nabanggit na suspek at pagkumpiska ng mga sumusunod na bagay:
a. Dalawang piraso ng transparent plastic heat-sealed sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may tinatayang timbang na .2 gramo at tinatayang halaga ng kalye na P1,500; at
b. Isang
piraso ng 1,000 peso bill bilang buy-bust money.
“Kami ay nangangako na gagawin ang lahat ng aming makakaya, upang masugpo ang iligal na droga at anumang kriminalidad sa ating pinakamamahal na lalawigan. Lubos ang aking pagkilala at pasasalamat sa ating mga kapulisan sa Bunawan MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Julius Vellejo, ipagpatuloy ang pagpapakita ng tapang, integridad, at dedikasyon sa pagsugpo sa problema ng ilegal droga. Sa inyong pagsisikap, may malaking posibilidad na malalampasan natin ang mga problemang dala ng ipinagbabawal na gamot at magbibigay daan para sa isang mas ligtas na lipunan,” ani PCol. Canlapan.
Para sa karagdagang pagkakakilanlan sa taong naaresto, maaari kang makipag-ugnayan sa hotline number na ito: Bunawan MPS- 0951-255-8950, dahil pinahahalagahan namin ang pangunahing tuntunin na ang isang akusado ay dapat ituring na inosente hanggang sa ang kanyang pagkakasala ay mapatunayan nang walang makatwirang pagdududa sa harap ng korte.
Ito ay naaayon sa Process Excellence perspective ng PNP P.A.T.R.O.L. Plano 2030 sa ilalim ng layunin sa pagpapabuti, pag-iwas at maagarang paglutas ng mga krimen. (ADSPPO/PIA-Agusan del Sur)