Drug pusher huli sa kampanya laban sa iligal na droga sa AgSur
PROSPERIDAD, Agusan del Sur -- Nagsagawa ng buy-bust operation nitong Agosto 12 ang mga kapulisan ng Agusan del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jovito Canlapan, provincial director, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang drug personality-newly identified street level individual (SLI) pusher.
Kinilala ni PCol. Canlapan ang suspetsado bilang 49 taong gulang na lalaki, may asawa, retired Philippine Army at residente ng P-7, Brgy. Poblacion, Veruela, Agusan del Sur.
Nagsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga ang mga kapulisan ng Veruela Municipal Police Station (lead unit), Agusan del Sur Provincial Intelligence Unit (ADSPIU), 1st Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company (ADS PMFC) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency - Agusan del Sur Provincial Office (PDEA-ADSPO) sa pamamagitan ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng nabanggit na suspetsado at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na bagay:
a. Limang piraso ng heat-sealed transparent
plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.1 gramo at
may street market value na P7,480;
b. Apat na piraso na live ammo ng M16 rifle;
c. Isang live ammo ng 30 cal;
d. Dalawang live ammo ng 60 cal;
e. Tatlong piraso ng disposable lighter;
f. Sari-saring aluminum foil; at
g. Isang piraso ng improvised sniffing
paraphernalla.
Ang paghahanap at pagsamsam ay isinagawa sa presensya ng mga legal na saksi.
“Ako'y punong-puno ng kasiyahan at pagmamalaki sa ating lahat na naging bahagi ng labang ito. Ang matagumpay na paglutas natin sa suliraning ito ay isang makasaysayang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa ating lipunan,” saad ni PCol. Canlapan.
“Lubos ang aking pagkilala at pasasalamat sa ating mga kapulisan sa Veruela Municipal Police Station sa ilalim ni Police Captain Nilo Dela Calzada, ADS-PIU sa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Bonifacio Estrella Jr., at 1st ADS PMFC sa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Nelson Nelmida, muli kong ipinagmamalaki ang ating tagumpay at ang bawat isa na nagbigay ng kanya-kanyang bahagi sa labang ito. Ito ay nagpatunay na sa pagkakaisa, kaya nating baguhin ang ating lipunan,” dagdag pa ni PCol. Canlapan. (ADSPPO/PIA-Agusan del Sur)