Kontribusyon ng sundalo, CAFGU, kinilala ng Philippine Army
LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa pagdiriwang ng 51st founding anniversary ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army sa pangunguna ni Commanding Officer Ltc. Cresencio Gargar, kinilala ang mahalagang kontribusyon ng mga sundalo at myembro ng CAFGA Active Auxiliary o CAA sa pagkamit ng kapayapaan sa kanyang nasasakupan at sa bansa, binigyan nila ng recognition ang Best CAAs, Best Enlisted Personnel, Best Officer at Best Company para sa taong kasalukuyan
Nakatanggap ng Silver Cross Medal si Captain Edmar Colagong, Technical Sergeant Rey Rojean Azarcon, Staff Sergeant Ruben Duallo, Staff Sergeant Ian Cristore Daling at Staff Sergeant Earl Lising. Nakuha nila ang distinct credit dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon at tagumpay para sa Philippine Army.
Laking pasalamat ni CAA Excyl Mandag, isang friend rescued o former rebel sa natanggap nitong pagkilala bilang isa sa mga best CAAs ng Battalion, kasama niyang kinilala sina CAA Dominic Egom at CAA Jomel Catalan.
Bawat isa ay nakatanggap ng isang set ng Philarpat uniform, letter of commendation, plaque of recognition at limang libong peso.
Nakatanggap din ng parangal si Staff Sergeant Marcial Bael bilang Best Enlisted Personnel at bilang pagkilala sa magaling at maayos na liderato na nagbigay na malaking tagumpay sa 29th Infantry Battalion as sa buong Philippine Army, kinilala din si 2Lt Edwin Walac, Platoon Leader ng Clfa company bilang Best Officer at kinilala din na Best Company ang Alpha Company.
Binigyang komendasyon ni 4th Infantry Division Commander MGen. Jose Maria Cuerpo II ang 29th IB, dahil sa dedikasyon at mahalagang kontribusyon upang makamit ang kapayapaan at seguridad sa Caraga region lalo na sa probinsya ng Ngusan del norte. Anya patuloy nating panindigan ang principled of good governance, accountability at transparency, dahil dito makukuha natin ang tiwala at suporta ng ating mga kababayan.
Sa ginawang selebrasyon, ginawaran din ng Medal of Valor si Staff Sergeant Roy Cuenca at late Corporal Romulado Rubi at binigyan din ng pagkilala at pasasalamat ang mga partner-stakeholders sa kanilang kontribusyon sa patuloy na tagumpay ng battalion. (NCLM, PIA Agusan del Norte)