(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Friday, 22 September 2023

Mahigit P12B pondo aprobado para sa informal settlers, mga biktima ng kalamidad

Inaprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalagang P12.259 bilyon bilang housing assistance sa mga biktima ng kalamidad at para sa resettlement ng informal settlers sa Western Visayas.

Ayon kay Pangandaman, tinatayang P12.059 bilyon ang pondo para sa housing assistance ng calamity victims (HAPCV) habang P200 milyon sa pagtatayo ng apat na yunit ng limang palapag na low-rise residential buildings sa Region VI (Western Visayas) para sa resettlement ng informal settler families (ISFs).

"Housing remains a priority for President Ferdinand R. Marcos, Jr. as he strongly believes in the necessity of providing decent homes for Filipinos, particularly those adversely affected by calamities,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Ang kahilingan para sa mga pagbabayad, na sisingilin sa mga inilabas na allotment ng mga nakaraang taon, ay suportado ng dokumentadong listahan ng Special Allotment Release Orders (SAROs)  na nakalahad ang kaukulang halaga, status ng paggamit ng pondo, at finance accountability reports na beripikado ng DBM.

Ang NHA ay tanging ahensya ng pamahalaan na may mandatong tutukan ang mga proyektong pabahay para sa mga pamilyang may mababang kita. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), ang NHA ang nagsisilbing production at financing arm ng pamahalaan sa usaping pabahay. (DBM/PIA-Caraga)