Mag-aaral sa Butuan, best Science newscaster sa bansa
BUTUAN CITY -- Hinakot nina Jeliane Endencia at Nicholi Donaldo,
kumakatawan sa rehiyon ng Caraga ang titolong kampeon sa kanilang entry na
Abaca Decorticating Machine sa ginanap na 2023 Gawad Alunig x Dalumat sa
Philippine International Convention Center, Pasay City nitong Oktubre 28, 2023
na may temang "Empowering Science Stories through Citizen Journalism."
Ibinida ng Best Kalipunan Science Youth Correspondent, Jeliane
Endencia sa kanyang entry na bumida sa 63 anyos na
grassroots innovator ng Abaca Machine na si G. Pablo Petalcorin Sr. na mula sa
Brgy. Holy Redeemer, lungsod ng Butuan. Si Nicholi Donaldo naman ang naging
director, videographer at editor sa nasabing kompetisyon.
Itinuturing na isa sa mga matitibay na sandigan at miyembro ng Ang
Narra, ang publikasyon ng paaralan, na sina Endencia at Donaldo sa larangan ng
television broadcasting, kung saan natuklasan at nahasa ang kanilang
natatanging kakayahan sa pagsulat ng balita, pagbabalita, video at graphics
editing.
Di matitinag na suporta mula sa kani-kanilang mga magulang, kapwa mag-aaral at mga guro ng Agusan National High School at lokal na pamahalaan ng Butuan ang naging baon ng dalawa sa pagsabak sa pambansang patimpalak na ito. Sa huli ay namayagpag at muling pinatunayan na sila ay nagmula sa tahanan ng mga kampeon. (Anyo at Disenyo - Theresa Burias at Tagapagsulat ng Balita - Maxine Galgo, ANHS/PIA-Agusan del Norte)