(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Friday, 24 November 2023

Pagpapalabas ng pondo sa dagdag silid-aralan sa bansa, aprubado na ng DBM

Asahan na ng mga mag-aaral at guro ang maitatayong karagdagang mga silid-aralan makaraang aprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd) na maipalabas ang halagang P303.5 milyon para sa konstruksyon ng 120 silid-aralan sa 21 lugar sa bansa.

Kasabay nito ang pagbibigay-diin ni Secretary Pangandaman sa pangangailangan na palakasin ang sektor ng edukasyon bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng social at human development.

“Education is a chance for every Filipino to improve his or her quality of life. Education empowers us to achieve genuine prosperity as well. But it is also a shared responsibility to work together for the country to achieve complete economic healing and recovery. Let us continue to invest in education,” pagdidiin ng budget secretary.

Ipinunto rin ni Secretary Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paghusayin ang mga pasilidad ng edukasyon upang makalikha ng ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng lahat ng mga estudyante, kabilang ang mga mga nasa malalayong at mahirap abutin na mga lugar.

“Bilin po ng Pangulo na dapat bigyan natin ng disente at secured na lugar ang ating mga estudyante at guro para maayos silang makapag-aral at makapagturo. Dapat equal po 'yan at walang pinipiling lugar. Nasa Maynila ka man o sa malayong probinsya, dapat maayos ang education facilities para sa ating mga guro at estudyante,” dagdag pa ni Pangandaman.

Inaprubahan ang hirit na pondo na bahagi ng Basic Education Facilities (BEF) Batch 2 para sa Calendar Year (CY) 2023 makaraang makumpleto ang mga requirement tulad ng listahan ng mga paaralang aprubado ng DepEd Undersecretaries for School Infrastructure and Facilities, and Finance; Budget Execution Document No. 1-Financial Plan; Physical Plan; at Monthly Disbursement Program.

Ang kabuuang awtorisadong alokasyon para sa Special Provisions ng FY 2023 DepEd budget na P15.7 bilyon ay ginagamit na ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kabilang dito ang P15.6 bilyon para sa pagpapagawa, pagpapalit, at pagkumpleto ng mga kindergarten, elementary at secondary school buildings, at technical vocational laboratories, at iba pa. (DBM/PIA-Caraga)