Halos P20-B budget inilaan sa protective services program
Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang paglalaan ng P19.97 bilyon para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.
Ang nasabing alokasyon ay magsisilbing tulong-pinansyal sa tinatayang 3.9 milyong benepisyaryo sa buong bansa.
“We are strengthening social protection measures to ensure that no one will be left behind, especially the marginalized and vulnerable sectors. This is the mandate of our President Ferdinand R. Marcos Jr., and we will make sure to exert all necessary efforts to make this attainable,” pagdidiin ni Secretary Pangandaman.
Sa kanyang Budget Message, ipinunto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang nararanasan pa ring epekto ng pandemiya sa bansa.
“The harsh effects of the pandemic are still heavily felt by many, especially the most vulnerable. To address this, I have approved the National Economic Development Authority’s (NEDA) recommendation for the Social Protection Floor (SPF) framework which aims to institutionalize existing social protection programs,” ayon sa Pangulo.
Isang mahalagang elemento ng programa ng PSIFDC ay ang Assistance to Individuals
in Crisis Situation (AICS) na layong magbigay ng isang komprehensibong hanay ng
mga serbisyo, kasama ang cash assistance para sa pagkain, transportasyon, mga
serbisyong medikal, gastos sa libing, at iba pang mahahalagang pangangailangan
ng nasa marginalized sector. (DBM/PIA-Caraga)