Open gov't partnership mahalaga sa kapayapaan sa Mindanao
Naniniwala si Department of Budget and Management Secretary Mina
F. Pangandaman sa kahalagahan ng Open Government Partnership (OGP) sa
pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao at sa pag-abot ng bansa ng inaasam na
socio-economic recovery.
Ang OGP ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R.
Marcos Jr. na tiyakin ang pag-iral ng transparency at full digitalization sa
gobyerno upang aktibong makalahok ang mga mamamayang Pilipino sa pamamahala at
paglikha ng mga pambansang polisiya.
“The call for open government and good
governance must be stronger and louder here in Mindanao. Bilang isang
taas-noong anak ng Mindanao, alam ko pong marami na tayong pinagdaanan para
makamit ang kapayapaang ating tinatamasa ngayon. Ngayon, kailangan natin ang
open government upang mapangalagaan at lalong mabigyang halaga ang tinatamasang
kapayapaan,” pahayag ng kalihim sa idinaos na final leg ng OGPinas!
National Advocacy Campaign sa University of Southeastern Philippines, Davao
City.
“Kaakibat po ng peacebuilding process
ang pagsiguro na ang ating mga kapatid at kababayan sa Mindanao ay makakaahon
sa kahirapang bunga ng ilang taong labanan. As such, I firmly believe that
peacebuilding and socioeconomic recovery will be sooner achieved if we invest
in inclusive, responsive, and accountable governance systems. We need to
establish public trust in our institutions that will strengthen our commitment
to carry our people forward into a peaceful future,” dagdag ni
Pangandaman.
Kinilala rin ni Pangandaman ang mahalagang kontribusyon ng mga civil society
organizations (CSOs), people’s organizations, at ang mga aktibidad sa
grassroots level upang isulong ang kapayapaan sa Mindanao.
“OGPinas, is for you—so that we can dialogue and work together towards
transforming Mindanao from a land of promise to a land of promises fulfilled.
To my fellow Mindanaoans, please please maximize this opportunity. Together,
let us achieve our vision for an open government, and let us empower others
through this platform to make the changes we all desire for lasting peace and
prosperity in Mindanao—tungo po sa Bagong Pilipinas,” paghihikayat pa ni
Pangandaman.
Tinatayang dalawang-daang indibidwal mula sa mga rehiyon sa Mindanao ang
nakiisa sa nasabing aktibidad. (DBM/PIA-Caraga)