(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Friday, 29 December 2023

Pamaskong Handog alay sa mga mag-aaral ng Sabang Adgawan

PROSPERIDAD, Agusan del Sur -- Bilang halimbawa ng pangunahing diwa ng Pasko, ang DAMCO Wood Industry sa pangunguna ni Tatay Johnny at mga kawani mula sa Agusan del Sur Police Provincial Office (ADSPPO) sa pangunguna ni Police Colonel Jovito C. Canlapan, provincial director ay nagsanib-pwersa sa pagsasagawa ng Pamaskong Handog sa mga estudyante ng Sabang Adgawan Elementary School na may kabuuang 300 ka mag-aaral sa ilalim ng pamumuno ni Roman P. Asis, teacher-in-charge ng nabanggit na eskwelahan.

Iilan sa mga pinakamahalagang bahagi ng aktibidad ay ang pagbibigay ng DAMCO ng mga bags, tsinelas, Jollibee meal packs, nutribun na taos pusong ibinigay ng Agusan Media Club, turnover ng grocery items na may kasamang laruan na ibinigay naman ng PERA Multi-Purpose Cooperative (MPC), vitamins at family kits na ibinigay naman ng Rotary Club of San Francisco, Agusan del Sur. 

Sinundan naman ito ng pamimigay ng libreng pa-ice cream ni aling at mamang pulis na buong pusong ipinamigay ng mga tauhan ng 2nd Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company (ADSPMFC) sa pangunguna ni PLtCol. Feluvini R. Consuegra, force commander, dance presentation ng Jollibee mascot kasama ang crew na syang nagbigay-aliw at tuwa sa mga batang benepisyaryo at ang huli ay ang parlor games na pinangunahan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)-Agusan del Sur Chapter kung saan namigay sila ng mga stuffed toys bilang papremyo.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na puno ng saya ay hindi magiging posible kung wala ang mga sumusunod na mapagbigay na isponsor: DAMCO Wood Industry, Provincial Health Office, 2nd ADSPMFC, PERA MPC San Francisco and Agusan Media Club/ADS PNP Press Corps.

"Sa bawat pagkakataon na tayo'y nagbibigay, tayo'y nagiging instrumento ng pag-asa at kasiyahan sa ibang tao. Lagi nating pakakatandaan na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan. Nawa'y maging insperasyon ang aktibidad na ito para sa isang positibo at masayang kapaskohan," saad ni Canlapan.

Ito ay naaayon sa learning and growth perspective ng PNP P.A.T.R.O.L. Plano 2030 sa ilalim ng layunin ng pagbuo ng isang karampatang at mahusay na mga tauhan at organisasyon ng pulisya na may kaugnayan sa programa ng pagbabago ng organisasyon. (ADSPPO/PIA-Agusan del Sur)