(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Tuesday, 12 December 2023

Budget sec hinimok ang SK presidents, cadet officers na maging tapat sa panunungkulan

Hinimok ni Department of Budget and Management Secretary Mina F. Pangandaman ang mga Sangguniang Kabataan officials at cadet officers ng bansa na ibigay ang nararapat na serbisyo sa mga Pilipinong nagtiwala sa kanilang kakayahan na mamuno.

Bilang mga kabataang lider, kayo ang pinili ng taumbayan. Huwag po nating sayangin ang kumpiyansa at tiwalang ipinagkaloob nila sa inyo,” pahayag ni Secretary Pangandaman sa ikatlong araw ng National Youth Convention 2023 na idinaos sa Philippine Military Academy, Baguio City.

Ipinahayag din ni budget secretary na buo ang kanyang tiwala at suporta sa mga makabagong kabataang Pilipino na may tapat at prinsipyo ng mga ito na baliin ang ilan sa mga nakagawian.

Bilang mga bida ng Bagong Pilipinas, you have my 100 percent faith and support,” pagbibigay-diin ni Pangandaman.

Siniguro naman ni Pangandaman na  kasangga ng mga batang lider ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglikha ng mga proyektong magpapaunlad sa kakayahan at kapasidad ng mga kabataang Pilipino. 

Patunay dito ang inilaang P1.6 bilyon ng DBM para sa Philippine Military Academy sa panukalang 2024 national budget.

Para naman mas palawakin ang kapasidad ng mga youth leaders, naglaan ng P47.9 milyon ang DBM sa Sangguniang Kabataan mandatory and continuing training fund.

Sa huli, hinimok ni Pangandaman ang mga kabataan na makiisa sa adhikain ng pamahalaan na maghatid ng mas magandang buhay para sa mga Pilipino.

We are counting on all of you. It’s your time to take on the mantle of leadership and help us achieve our agenda for prosperity,” dagdag nito.

Kasamang dumalo ni Pangandaman sina DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran at DBM Region 1 Director Ria Bansigan. (DBM/PIA-Caraga)