(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 30 October 2024) At 3:00 AM today, the center of the eye of Typhoon "LEON" {KONG-REY} was estimated based on all available data at 380 km East of Aparri, Cagayan or 395 km East of Calayan, Cagayan (18.8 °N, 125.2°E) with maximum sustained winds of 165 km/h and gustiness of up to 205 km/h. It is moving West Northwestward at 15 km/h. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from West to Southwest will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.5 meters).


Tuesday, 2 April 2024

Mahigit 500 interns nabigyan ng trabaho ng DOLE-13

BUTUAN CITY (PIA) -- Isinagawa ang isang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga partner government agencies at opisina sa Caraga kamakailan lamang para sa deployment ng 547 interns bilang bahagi ng Government Internship Program o GIP.

Ang GIP ay may layunin na mabigyan ng trabaho at pagkakataon na ang mga young workers na walang work experience at unemployed na may edad na 18 hanggang 30 ay makapaglingkod sa publiko, mapa-national man o lokal na opisina, sa loob ng tatlo hangang anim na buwan.

Nagpapasalamat si Julius Huftana sa DOLE dahil siya ay nabigyan ng pagkakataon na maging intern sa ilalim ng programamang GIP at ma-deploy sa Philippine Information Agency o PIA Caraga.

"Bilang isang fresh graduate, masaya ako na kahit papaano sa pamamagitan ng GIP ay magkaroon ako ng pansamantalang source of income habang ako ay wala pang regular na trabaho," ani ni Huftana.

Sa mensahi ni Atty. Joffrey M. Suyao, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE) Caraga, hinikayat niya ang mga partner agencies/offices na patuloy na suportahan ang programa na hindi lang nakakatulong sa mga young workers kundi pati na rin sa kanilang mga opisina.

“This partnership is a testament of a shared vision that every Filipino is equipped with skills,” ani ni Dir. Suyao.

Binigyan diin ni Annie C. Tangpos, chief ng DOLE - Technical Support and Services Division, na dapat siguraduhin ng mga partner agencies/offices na ligtas at hindi hazardous ang pagtratrabahoan ng mga interns at mayroon silang insurance bago magsimula sa trabaho. Paalala din niya na ang mga interns ay tutulong lamang sa mga operasyon ng opisina at hindi maaring bigyan ng napaka teknikal na trabaho. 

Nagpahayag din ng kanyang malaking suporta si Agusan del Sur Governor Santiago “Santi” Cane Jr. sa Government Internship Program (GIP) dahil may 100 slots ang nakalaan sa probinsya. Dagdag pa niya, nakita nila ang kagandahan ng naturang programa kaya naman sila ay naglaan ng karagdagang pundo para sa pagtanggap ng karagdagan interns sa probinsya. 

Ang GIP ay nagsimula sa taong 2000 bilang bahagi ng Kabataan 2000 sa ilalim ng Executive Order No. 139, series of 1993 at DOLE Administrative Order No. 260-15. (MFC/PIA-Caraga)