(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Monday, 19 August 2024

Kapulisan sa Agusan Sur tumanggap ng parangal

PROSPERIDAD, Agusan del Sur -- Itinaon sa traditional Flag Raising ng Agusan del Sur Police Provincial Office (ADSPPO) kasama ang Provincial Plans and Programs Unit (PPPU) at Provincial Internal Affairs Service (PIAS) bilang office primary responsible (OPR) ang pagbigay-parangal sa mga istasyon ng pulisya at mga tauhan na nagpakita ng dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin sa pamamagitan ng pagbibigay ng papuri na ginanap sa harap ng ADSPPO building.

Para sa tagumpay ng operasyon sa Hulyo 22-28, 2024, ito ang mga pinarangalan:

Top 1 – Trento Municipal Police Station (MPS)

Top 2 – Sta. Josefa MPS

Top 3 – Rosario MPS

Binigyan din ng certificate of appreciation ang Esperanza MPS na nakakuha ng Top 1 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) noong buwan ng Hulyo 2024 at ang 2nd ADS Provincial Mobile Force Company (PMFC) para sa Mobile Forces.

Ginawaran din ng parangal bilang mga nanalo sa ADSPPO Marksmanship and Proficiency Challenge, Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA) Sanctioned Match noong Hulyo 27-28 sa ADSPPO Firing Range, Camp D.O. Plaza, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur.

Para sa Team Awards:

2nd Runner-up – Bayugan Component City Police Station (CCPS)

1st Runner-up – Esperanza MPS

Kampeon – 1st ADS PMFC

Para din sa Individual Awards, nanalo si Police Captain (PCpt) Mary Jane D. Valenzuela mula sa Prosperidad MPS bilang Lady Marksman para sa Police Commissioned Officer (PCO) category; Police Senior Master Sergeant  (PSMS) Goldah Mae U. Estrada mula sa Esperanza MPS bilang Lady Marksman for Police Non-Commissioned Officer (PNCO) category; at Police Staff Sergeant (PSSg) Leonard S. Rocacorba mula sa Sibagat MPS bilang Marksman para sa Police Non-Commissioned Officer (PNCO) category.

Pagkatapos nito, nagbigay din ng mensahe si Police Lieutenant Colonel Nelson C. Nelmida, chief Provincial Plans and Programs Unit (PPPU), ipinaliwanag niya ang pitong hangarin na dapat matupad upang maging gabay ng Pambansang Pulisya. At nagpapaalala na ang buwan ng Agosto ay buwan ng Wika.

Ito ay naaayon sa learning and growth perspective ng Philippine National Police (PNP) Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule of Law (P.A.T.R.O.L.)  Plan 2030 sa ilalim ng layunin ng pagbuo ng isang may kakayahan, motibasyon at may halaga na mga tauhan at organisasyon ng pulisya na may kaugnayan sa programa ng pagbabago ng organisasyon. (PRO13-Agusan del Sur Pulis/PIA-Agusan del Sur)