KWF nanawagan sa mga kalahok ng ika-2 pandaigdigang kumperensiya sa nanganganib na wika
Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang publiko na lumahok sa Ikalawang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika (2nd International Conference on Language Endangerment) na may temang Pagbibigay-lakas sa mga Katutubong Mamamayan tungo sa Pagpapasigla ng mga Wika (Empowering Indigenous Peoples towards Revitalizing the Languages).
Ito ay gaganapin sa 9-11 Oktubre 2024, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila.
Layunin ng kumperensiya na mabigyang-lakas at kakayahan ang mga katutubong mamamayan o indigenous peoples (IP) sa pamamagitan ng kanilang pakikisangkot sa pagbuo ng mga patakaran, programa, at pananaliksik para sa pangangalaga ng kanilang wika.
Kinikilala ng International Conference on Language Endangerment (ICLE) 2024 ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IP sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura. Sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022-2032 Global Action Plan (GAP), tinukoy ang mga IP bilang isa mga key targets na pangkat na mahalagang maisangkot sa mga gawaing pangwika.
Kabilang sa mga magiging plenaryong tagapanayam sina Dr. Anna Belew, Endangered Languages Project; Dr. Siripen Ungsitipoonporn, Mahidol University; Jesus Federico C. Hernandez, University of the Philippines; Dr. John Amtalao, De La Salle University; Dr. Voltaire M. Villanueva, Philippine Normal University; Rande C. Bayate, SILDAP; Frederick Barcelo, Bugkalot Old Testament Translator; Dr. Felipe P. Jocano Jr, University of the Philippines; at Tagapangulong Arthur P. Casanova, Komisyon sa Wikang Filipino.
BukΓ‘s ang rehistrasyon sa
publiko para sa isandaan at limampung (150) kalahok lamang. Narito
ang halaga ng rehistrasyon:
PHP1,500 – mga magbabasa
ng papel-pananaliksik
PHP2,000 – di-gradwadong mag-aaral
PHP2,000 – Direktor ng mga KWF Sentro ng Wika at Kultura
PHP2,400 – PWD/Senior Citizen
PHP2,500 – early bird rate
PHP3,000 – regular rate (local at foreigner)
Para sa detalye ng
rehistrasyon at pagbabayad, i-click ang link na nasa ibaba, https://sites.google.
Maaari ding i-fill-out ang form ng aplikasyon sa link na nasa
ibaba, https://bit.ly/ICLE-
Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in at tanging rehistradong
kalahok lang ang tatanggapin. Ang deadline ng pagbabayad ay hanggang sa 30
Setyembre 2024 lamang. Makukuha ang Opisyal na Resibo sa mismong araw ng
Kumperensiya.
Para sa mga katanungan at iba pang detalye ay mangyaring makipag-ugnayan sa icle2024.ph@gmail.com o numerong +63976-4820514. (KWF/PIA-Caraga)