(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Tuesday, 20 August 2024

DBM umapela na i-prioritize ang mga empleyadong contract of service, job order sa pagpuno ng plantilla positions

MANILA -- Hinimok ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang mga heads of agencies na unahin ang mga contract of service (COS) at job order (JO) workers sa pagpuno ng kani-kanilang mga bakanteng plantilla positions sa gobyerno.

Sa press briefing sa DBM Central Office, ibinahagi ng budget secretary na sa kabuuang 2,017,380 plantilla positions sa national government, 92 porsiyento ang napunan, samantalangang ang natitirang walong porsiyento na katumbas ng 168,719 positions ay nananatiling bakante.

“8 percent— that’s 168,719 positions unfilled pa. We encourage our department heads to absorb ‘yung mga JO and COS natin when they fill in these unfilled plantilla positions. I-prioritize natin sila,” pahayag ni Sec. Pangandaman.

Binigyang-diin din ng secretary ang kamakailang pagpapalabas ng Commission on Audit (COA)-DBM Joint Circular No. 2, series of 2024, na nagbibigay ng extension sa transition period para sa pagsisilbi  sa gobyerno ng mga manggagawang COS at JO. Sinasabi ng Joint Circular na maaaring kumuha ang mga  kagawaran/ahensya ng mga serbisyo ng mga bagong COS/JO sa pamamagitan ng individual contracts at irenew ang mga individual contracts ng mga existing COS/JO workers hanggang December 31, 2025.

Ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang transition period sa serbisyo ng mga manggagawang COS at JO sa gobyerno na ang mga kontrata ay magtatapos sa Disyembre ngayong taon.

“Bakit po kailangan ito? Para po hindi sila matanggal sa trabaho. And at the same time, madagdagan pa po ‘yung kanilang work and educational experience,” sinabi ni Pangandaman.

“So, with the extension of until December 31, 2025, we are giving them a chance na mapalago pa ang kanilang experience and even their educational experience para makapasok sila doon sa mga bakante na position sa national government. Marami po ‘yan. Kung titignan niyo po, parang kulang, pero sa isang department po, marami po d’yan ang unfilled positions,” dagdag ni Pangandaman.

Matatandaan na nauna nang inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga istratehiya para tulungan ang mga manggagawang COS at JO para maging  kwalipikado sa mga permanenting posisyon. Kabilang sa mga istratehiyang pinag-iisipan ay ang pagpapatupad ng mga programa, tulad ng mga review session, upang matulungan ang kani-kanilang mga manggagawang COS at JO na makapasa sa Civil Service Examination. Bilang karagdagan, ang mga kasanayan at kakayahan ng mga manggagawang COS at JO ay maaaring paunlarin sa pamamagitan ng muling pag-aaral at pagsasanay na magbibigay-daan para sila ay makapasa sa Civil Service Examination.

Ang COS ay tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo ng individual, private firm, ibang government agency, non-governmental agency, o international organization bilang consultant, learning service provider, o technical expert upang magsagawa ng isang espesyal na proyekto o trabaho sa loob ng isang tiyak na panahon.

Samantala, ang JO ay mga  trabahong piece work o pakyaw o intermittent o emergency na isasagawa sa maikling panahon at para sa isang tiyak na trabaho. (DBM/PIA-Caraga)