(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 19 January 2025) Shear Line affecting the eastern section of Southern Luzon. Northeast Monsoon affecting Northern and Central Luzon. 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: Dinagat Islands and Surigao del Norte will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. While Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗪𝗜𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, 16 January 2025

KWF ibinahagi ang palatuntunin sa Dula Tayo 2025: Pagsulat ng Dulang Tandem/Duo

Ang Duláng Tandem/Duo ay tawag sa anyo ng maikling dulâ na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lámang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.

Ito ay onlayn na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa Buwan ng Panitikan. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.

Bukás ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas (babae at laláki), nása loob at/o labas man ng bansa, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.

Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mulâ sa ibang wika.

Hindi patatawarin ang sinumang mahuhíling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

Ang paksa ay “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon.”

Gamítin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing), at A4 (súkat ng papel) bílang format ng isusumiteng lahok.

Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.

Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda ang kopya ng lahok. Tanging pamagat at sagisag-panulat lámang ang pinahihintulutan.

Isang entri lang ang maaaring ilahok ng bawat indibidwal.

Isumite sa pormang pdf ang Pormularyo ng Paglahok, maaaring i-download mula sa: https://shorturl.at/mZWI5

Ilagay ang lahok at ibang mga kahingian sa expandable envelope at ipadala sa adres na nása ibaba:

Lupon sa Dulang Tandem/Duo 2025

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,

San Miguel, Lungsod Maynila

Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 Pebrero 2025 hanggang 11:59 ng gabí.

Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:

Unang gantimpala, P10,000.00 (net)

Ikalawang gantimpala, P7,000.00 (net)

Ikatlong gantimpala, P5,000.00 (net)

Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:

Banghay – 25%

Gámit ng wika - 25%

Karakterisasyon - 25%

Malikhaing pagsasanib ng paksa sa piyesa - 25%

Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.

Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF Facebook page sa Abril 2025.

Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph. (KWF/PIA-Caraga)